Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

Me, Myself and Noringai

HomeWelcome sa Tambayan ni NoringaiMar 3, 2006
kung naghahanap ka ng site na may katuturan, nagkamali ka ng pinuntahan...

MusicAug 10, '10 2:49 AM
for everyone
MyNumberOne   

Blog EntrySep 1, '09 5:15 AM
for everyone
alas singko ng umaga, pauwi na kami mula sa inuman sa morato when my drunk co-writer turned to me and said, "sumama ka sa akin, noreen. may gagawin tayo!!!"
 
thought bubble ko: huwag, magkaibigan tayo... 
 
pero pumayag na rin ako... siguro dahil, curious din akong subukan iyun...
 
***
 
dinala niya ako sa isang makasalanang lugar sa pasig, kung saan on the way pa lang, kinakabahan na ako...  first time ko kasi... 
 
"huwag kang mag-alala, ako bahala sa iyo.... aalalayan kita," he told me...  na-sense niya ata na kinakabahan ako...
 
gusto ko na mag-back out. what was i thinking? ano ginagawa namin dito? siguardo ba ako na gagawin ko ito or baka lasing lang ako? pero it's too late, napark na niya ang kotse nya at heto na, naglalakad na kami papasok...
 
the attendants greeted him... and he knew everyone by name. suki na kasi siya doon... i looked around and saw people just like us -- nandoon to have a good time. isang makasalanang good time. napayuko ako, fearing na may kakilala akong makakita sa akin doon -- nakakahiya.
 
and then he left me for a while kasi daw magwi-withdraw lang siya. umupo muna ako, and then, kahit wala pa iyong kasama ko, i started on my own...
 
and then he came back. umpisa na ng good time. sa simula, nakaka-kaba nga. hindi mo alam kung ano gagawin mo. kasi titingnan mo rin kung paano gumalaw iyong kasama mo. dapat alam mo kung kelan ka susugod o kelan ka titigil. pero iba iyong dagundong sa dibdib... kakaiba iyong rush. di ko ma-explain.
 
after one hour. it was over.
 
"nag-enjoy ka ba?" he asked noong nasa kotse na kami.
"oo! sobra."
"baka maadik ka ha?"
"huwag naman sana..."
 
pero gusto ko bumalik...
sa metrowalk para mag-poker.
nanalo ako!
beginner's luck?
 
***
 
mag-a-alas siete na noong nakarating ako sa bahay. di ako makatulog dahil sa euphoric rush noong huling round kung saan nag-all in ako at nanalo ng 3,000 na pot. kasi natatalo na ako noon eh. 1,500 na iyong nalalabas ko. pero sinuwerte. ang ganda noong hawak ko na cards, tapos nag all in iyong dalawang kalaban so call agad ako....
 
iyun lang... when was the last time you did something for the first time?
 
ako kanina... first time ko maglaro ng poker na totoong tao ang mga kalaban ko... at gusto ko siya ulitin! weeeeeeh!

Blog EntryAug 22, '09 12:40 PM
for everyone
sabi ni yam at ni bing, fate daw na nandito ako sa davao the same time na andito rin si enchong dee :)

went home to davao last friday morning with ilai. a funny thing happened to me in the airport -- i lost my bag! the bag which contained my mini-note scarlet, my wallets, my everything! mahaba ang kuwento kung bakit at paano ko siya nawala. buti i found it again...

***

was in sm davao when i learned that the gigger boys would be performing in gaisano mall on kadayawan. my niece ilay (not to be confused with my friend ilai) loves enchong so much and now is the perfect time para makilala niya ito at makita upclose. i had to text some people and sent a message to enchong, asking kung okay lang na mag-photo op with him.

enchong replied sa fb. he said pwede daw kami sa backstage ng mall show nila. he gave me his number. and i texted him. he said 4pm ang mall show. and that excited na daw syang mag lunch -- 10 am pa lang that time!!!

around 3pm, i went to gaisano mall with my friends ilai and cheche. angdaming tao! as in. parang edsa dos. i asked enchong where we could meet them, kasi siguradong hindi kami makakarating sa backstage sa dami ng tao. enchong said the name of the hotel where they were staying. so off we went -- pati ang pamangkin ko and four of her friends.

"hi ench. andito na kami sa (name of hotel). wait na lang kami sa lobby," i texted him. he replied na pwede daw kami sa room -- he gave the room number. so ang ending, naki-epal kami sa kuwarto ng gigger boys.

i said this before, i'd say it again -- i love enchong dee. angbait niya. pramis. lahat ng friends ko na nakilala siya (angelo, cla, kareen, cheche and ilai) agree with me. accomodating siya. nakikipag-usap talaga.

he could have ignored my fb message since i sent it the night before their trip. knowing how busy he was, puwede naman na sabihin niyang di niya nabasa agad. and he didn't have to give me his number. or he could have ignored my text messages... sobrang abala at perwisyo iyong ginawa ko...

ambait nya talaga. iyun lang.. at textmates na kami! bwahahahaha

Blog EntryAug 19, '09 3:52 AM
for everyone

kapal ng mukha ng taong ITO i-plagiarize at akuin na kanya ang article ko na KAPE, YOSI, SISIG at IKAW, posted in peyups.com in march 2006.

taena. mahiya ka naman. ano nakukuha mo mag-claim na ikaw nagsulat gayong alam mo na ninakaw mo lang yan?

 


 


Blog EntryAug 5, '09 1:58 PM
for everyone

sorry kung di na ako nakakadalaw dito... honestly, nawalan na ako ng gana when they changed the layout.

kaya iyong blog entries ko, ayun, balik uli sa blogspot. at ang mga pictures, nasa FB lang. ang ibang updates, nasa twitter...

kitakits na lang doon...

 


Blog EntryJun 16, '09 2:57 PM
for everyone
saying goodbye is really painful. it is never easy ending something. lalo na kung angtagal na ng pinagsamahan nyo...

in my case... three years and four months. i was there when it started... biro nga sa akin, timon daw ako doon. for three years, i've seen people come and go. may mga umalis. may mga bumalik. may mga nawala.  

relationships were formed. bonded with people. established remarkable friendships.

pero ganoon yata talaga. darating sa point na kailangan mo na pumili. it was difficult pero kailangan... hindi ko alam kung tama ang ginawa kong pag-iwan para piliin ang isang bagay na walang kasiguraduhan. hindi ko alam kung makakabalik pa ako. o kung tatanggapin pa nila ako. baka by the time na ready na ako bumalik, hindi na nila ako matatanggap.

pero angdami ko na ni-risk. nagawa ko na ito two years ago when i chose abs-cbn over my corporate job in a stable company.

and now, i took another risk -- i ended a three-year love affair with a show.

mami-miss ko ang mga tao doon. mami-miss ko ang lock in. ang batuhan ng ideas. mami-miss ko ang pagsusulat doon.

but all good things must come to an end. may shelf life ang lahat ng bagay. salamat sa three years of wonderful learning experience.

ang dasal ko na lang, Lord, bahala ka na sa akin... :)
 
(btw, if you're wondering why i seldom update my multiply... sa blogspot na uli ako nagba-blog...ngayon lang uli ako nagawi dito kasi i heard nagbago daw ng layout... )

Blog EntryMay 6, '09 3:26 PM
for everyone

among the seven, i love enchong dee the most. maybe because he starred in one of my most favorite your song episodes (tulak ng bibig, kabig ng dibdib with empress schuck directed by bb joyce bernal), or maybe because he made me cry several times in his scenes as jhun in my only hope, or maybe because in one of the parties that i attended and he was there, he approached me and kissed me and he remembered that a couple of months before, i presented the story of my only hope to the cast.
 
or siguro dahil na-impress na rin ako noong nagkuwento siya tungkol sa buhay niya... he has always been a good boy. a follower of rules. taga-sunod sa mga tao who make decisions for him -- his parents, his coach, his manager...
 
he's an actor. a champion swimmer. an honor student. may social awareness. magalang na bata. eager to learn. magaling umarte.
 
yes, i love enchong the most. sana huwag siyang magbago. sana poreber siyang maging mabait.
 
this will be his third your song episode. and sabi ko, sa lahat ng episodes niya, ako ang writer. sabi niya, lahat daw ng your song episode niya, pinapahirapan siya... pero enjoy naman siya.
 
third time ko na rin magsulat for dino imperial and for aj perez. kasama si dino sa enchong-empress episode. tapos iyong "imposible" with aj, lauren and empress. si aj naman, sa imposible, tapos sa underage. and then here. sabi nya sana daw after boystown kunin siya uli para back-to-back-to-back na your song siya. your song presents aj perez na iyun.
 
makulit si dino. siya ang kuya ng group. maingay kaya akala mo mayabang. i got to know dino personally during the audition for george and cecil. sobrang traffic and he came from school (csb) and guess what... nag lrt at mrt sya papuntang abs. heto ang mas matindi, noong tinatawagan na siya to ask where he was -- nasa tricycle daw! dino imperial taking the tricycle to abs!!! wow.
 
love ni direk joey si dino. kaya nga he was auditioning for a role, ang binigay sa kanya, iyong bigger role. kasi, magaling siya.
 
si aj naman, he takes his craft seriously. sa underage storycon, tahimik lang siya pero sa boystown storycon, lumapit pa siya sa akin to ask more questions about his character. "anong movie kaya ang dapat ko panoorin para peg ng character ko?" he asked.
 
earlier this year, pinakilala sa akin ng isang friend si robi domingo. nag-mano sa akin ang mokong. mao-offend sana ako pero he does that to everyone pala as a joke... nagmamano. he was supposed to be in underage pero his schedules wouldn't allow him.
 
sa storycon ng boystown, he listened intently... ina-absorb ang character niya. and during tapings, he'd ask me kung ano feedback ni direk or ng mga tao sa acting niya.
 
malambing si robi. he loves to hug. pero ilang beses ko na siya sinisita dahil lagi niya pinag-iinitan ang bilbil ko. noong bumisita kami sa taping, pinipisil niya ang bilbil ko and called them "love handles." sabi ko nga para naman akong buddha na hinihimas ang tiyan para suwertehin.
 
sa tuwing magkikita kami sa abs, he'd talk to me using the lines from his scripts, lines that i wrote for him. todo emote pa!
 
this is my first script for arron villaflor, chris gutierrez and sam concepcion. first meeting namin ni arron, na-imbyerna ako dahil he called me "tita!" sina enchong nga, "ate noreen" ang tawag sa akin tapos si arron, "tita!" bakit, ilang taon ba siya, 10 years old? pero inisip ko na lang, likas lang talaga siguro siyang magalang... wala akong personal encounter with him pero sabi ng isang staff, siya daw ang pinakamabait sa gigger boys.
 
during the storycon, sa kanilang lahat, si chris lang ang lumapit to say "thank you... i love my role." he said he'd want to do something like that. he loves his character daw and excited na siyang mag-taping. grasyoso siyang bata.
 
pansin ko din na sobrang close niya with aj and dino. so close na he was so honest to say na dino is like is and dino is like that, sa harap ni dino at ng ibang tao.
 
wala si sam sa storycon. wala din siya sa immersion/workshop. kaya sa kanilang pito, siya ng "hindi ko super kilala." pero during the presscon, noong sinasabihan ng staff na pumasok na ang gigger boys sa loob, si sam ang unang sumunod. nakaupo na siya sa loob while the rest, nasa labas pa, nagkukulitan. kaya noong pumasok ako sa holding area, siya pa lang ang nandoon. "hello po" he told me. kahit hindi niya ako kilala. kahit hindi niya alam na isa ako sa writers, he still greeted me. i smiled at him and said, "wala ka sa storycon saka sa workshop" and then i told him na isa nga ako sa writers ng show.
 
among the seven, i love enchong the most. but i love them all....
 
this may 10, catch enchong dee as arnel, the champion swimmer and "kuya" ng boystown; robi domingo as arkin, the rich boy who doesn't appreciate what he has; aj perez as ricky, the one who ran away from home because he was abused; arron villaflor as raul, the siga ng todo na napadpad sa boystown;  dino imperial as chad, the delinquent bully and chris gutierrez as brent, the silent but dangerous guy who is actually insecure.
 
one time, direk lino heard me saying na ang pinaka-favorite your song episode ko ay iyong kay angelica panganiban at zanjoe marudo. he asked, "ang boystown, di mo paborito?" i told him, "hindi ko pa nakikita eh..."
 
kahit hindi ko pa napapanood ang boystown... masasabi ko, this has become a personal favorite... because of the gigger boys. :)
 
watch kayo ha....

Blog EntryApr 5, '09 11:53 AM
for everyone

hindi ko alam kung san galing ang mga pics na ito na nakalagay sa pinoyexchange. pero nagulat na lang ako na meron palang ganito.... buti na lang, naka-blower ang buhok ko that day... talagang kailangan ko na magpa-rebond!

and looking at the pictures, may na-realize ako - shet. ang taba-taba-taba ko na. kailangan ko na bumalik sa gym! sayang ang binabayad ko every month, di naman ako nagpupupunta...

another reason to go back to the gym: health.

before i left for davao, sunod-sunod na deadline thus sunod-sunod na puyat din. walang fruits. walang veggies. puro karne. when i arrived sa davao, nilantakan ko ang alimango... ang nangyari... last night, i got sick... nahihilo. masakit ang katawan. masakit ang ulo. sumusuka. konti na lang, magpapahatid na ako sa hospital. pero ayoko ma-stress ang nanay ko. kaya nanahimik na lang ako.

ok na ako ngayon. pero that was a warning... kelangan ko na talaga ng healthy living.

nasa davao ako now... sinurprise ko ang parents ko. gulat sila, siyempre. havent met up with my friends yet. kasi, kahit dito na ako sa davao, may deadline pa rin na tinatapos... na-submit ko naman kanina. okay na... kelangan ko nga lang manood ng dvd ng isang mexicanovela na ire-remake namin. so habang nandito ako, iyun ang gagawin ko... dvd marathon...

ganito pala ang pakiramdam ng nagba-blog. nakalimutan ko na sa tagal kong walang entry...


Blog EntryMar 25, '09 6:19 AM
for everyone

this summer, i am ready na to go to boystown with george and cecil.

within the year, baka may sumamang bida-kontrabida. hindi pa super sure. pero hopeful ako.

ngarag to the max but am not complaining... this is the life i want to live... i am living my dream!

salamat, lord for the blessings....


Blog EntryMar 12, '09 6:08 AM
for everyone

"minsan, gusto ko nang pumutok kaya lang... wala naman akong mapuputukan..."

sinabi ito ng isang young actor kahapon noong nakausap namin. naloka kaming lahat na nasa kuwarto na iyun. sabi kasi niya, minsan, napapagod na siya living a good life. kaya niya nasabi iyun.

hirit ng friend ko noong tinext ko sya: "pwede siya magpaputok sa akin anytime..."

sino ang gwapong young actor na ito? sikreeeeeeeeeeet! pero love ko siya. pramis! love na love ko ang batang ito. bukod sa magaling na actor, ambait pa! at saka, role model for the youth. at san ka nakakita ng teen-ager na mahilig sa current events and world news? siya lang...

clue? kasama siya sa next your song episode :)

 


Blog EntryMar 7, '09 12:48 PM
for everyone

just arrived from the eraserheads concert. didn't think i would be able to watch kasi thursday na, wala pa kaming ticket. walang time bumili and kahit mag-online at doon bumili, wala rin kami time. pero suwerte at nasa megamall si jan ng saturday ng tanghali... at may nakuha pa siyang ticket.

i wasn't able to watch their concert last august because i was in davao... suwerte ko na for this concert, wala akong deadline, walang lock in, walang meeting...

couldn't help being emotional while watching... mixed emotions -- the songs brought back lots of memories -- UP life, sunken garden, dorm life, tapos iyong first bf ko, na sobrang fan ng eraserhead. pero all in all, super sulit ng concert. ang saya. ang galing. sobrang nakaka-touch din iyong kumanta sila ng super proxy saka iyong kaleidoscope world para magbigay-pugay kay francis magalona.

ito na yata ang the best concert na napuntahan ko. as in. at sobrang minahal ko ng todo-todo si ely.

i remember when i saw ely sa book launch ni ricky lee noong november. i was with angelo that time, magpapa-picture sana kami ni angelo but he said huwag na lang kasi mukhang suplado si ely. ang dami nagpapa-picture sa kanya at hindi siya ngumingiti sa picture. parang ang yabang.

i saw ely again sa abs last december. galing ata sya sa guesting sa sharon nun. na-tempt uli ako magpa-picture pero nahiya ako kasi nagme-meeting ako that time. ang tagal nila nag-stay sa labas ng starbucks/cibo. he was with his son. and nakita ko, sobrang sweet ni ely sa anak niya. parang hindi ito ang supladong ely na nakita ko sa up noong book launch ni ricky lee. i saw a different side of ely.

sa concert, nakakatuwa siya... marunong na siya sumagot sa audience ngayon. kahit suplado pa rin, nakakaaliw. lalo na kapag inuutusan niya ang audience... "sing!" or "talon!" parang isang malawakang prayer meeting na lahat kami, alagad ni brother ely. gagawin lahat ng sabihin niya... kumanta. tumalon. sumayaw. pumalakpak.

tapos, noong akala namin tapos na, at lahat kami, naglalakad na sa exit, biglang meron pa pala...pang apat na set na ata nila iyun. three for the road, sabi ni ely. nakipag-interact pa siya sa audience. ewan pero sobrang nakaka-move iyong last words na sinabi niya, "we are the eraserheads..." sabay smile.

for a fan like me, nakakatuwang makita sila ulit together... baka hindi na maulit. baka wala ng next time. masaya ako na i was part of history. natatandaan ko pa noong unang pinatugtog ang single nila na ligaya sa radio. at inintroduce sila ng DJ na mga UP students. freshman lang ako that time. that was in 1993. sixteen years after -- i watched their final set concert. ibang klaseng experience ito. priceless.  


Blog EntryFeb 27, '09 5:50 AM
for everyone

niloloko ako ng mga kaibigan ko na may bagong career na ako -- bilang manghuhula.

matagal na kasi akong nagfe-fearless forecast sa mga tao. iyong out of the blue, may sasabihin ako. at nagkakatotoo naman...

last month, habang katabi ko ang co-writer kong lalake, i told him, "alam mo magiging tatay ka na..."

the other day, binalita niya sa amin... buntis ang girlfriend niya. sabi niya sa akin, magpatayo na daw ako ng puwesto, may bagong karir na ako.

for fun din, i read tarot cards. for fun. di ko sineseryoso. saka, di panghuhula ang tawag dun... "binabasa lang ang baraha." nagkakataon lang na lahat ng binasahan ko, sinasabi sa akin na nagkakatotoo daw...

joke ko nga sa kanila, sana pala naniningil na ako... eh di may kinikita pa ako...

***

kaka-submit ko lang ng script. di ko ine-expect na matatapos ko siya agad pero natapos din. my headwriter called me up and asked, "maganda ba ang script mo?" alangan naman sabihin kong hindi, di ba? so sinagot ko, "opo!" she asked, "naiyak ka ba?" "hindi..."

iyon ba ang batayan kung maganda ang script? kung naiyak ka habang sinusulat? sabagay, looking back, lahat ng mga sinulat kong scripts na nagustuhan ko, iyong mga iniyakan ko talaga... pero, anong magagawa ko, di talaga ako naiyak dito...

***

di ko pa napapanood ang you changed my life... kelan kaya? sobrang busy ako sa weekend. pati next week... hai, am sure, ma-e-extend naman iyan.


Blog EntryFeb 22, '09 1:45 PM
for everyone

i may dissect each little thing and put myself out there so much but at least that means that i still care... i may do a lot of stupid shit but i'm still a lot closer to love than you are - ginnifer goodwin as gigi.

angdaming pangit na reviews sa movie na he's just not that into you but i don't care... i loved the movie. kinilig ako. natuwa. natawa. naiyak. most of all, this movie gave me hope...

the movie's plot is simple. if you've read the book, you will have an idea what the movie is all about. several people sent me the content of this book via email in 2006. isa dun sa nagpadala sa akin, si claring, na inemail sa mismong araw na i was waiting for a sign for something. the book made me realize the guy i was seeing that time was just not that into me but nagpakatanga ako. i thought i was an exception. pero hindi. i was the rule. para akong si gigi sa movie... 

kaya siguro nagustuhan ko ang movie. kasi naka-relate ako. mas nagustuhan ko ito kesa sa shopaholic.

"girls are taught a lot of stuff growing up: if a boy punches you he likes you, never try to trim your own bangs, and someday you will meet a wonderful guy and get your very own happy ending.

every movie we see, every story we're told implores us to wait for it: the third act twist, the unexpected declaration of love, the exception to the rule.

but sometimes we're so focused on finding our happy ending we don't learn how to read the signs. how to tell the ones who want us from the ones who don't, the ones who will stay and the ones who will leave.

and maybe a happy ending doesn't include a guy, maybe it's you, on your own, picking up the pieces and starting over, freeing yourself up for something better in the future. maybe the happy ending is just moving on.

or maybe the happy ending is this: knowing after all the unreturned phone calls and broken-hearts, through the blunders and misread signals, through all the pain and embarrassment... you never gave up hope."    


Blog EntryFeb 18, '09 2:17 AM
for everyone

... dahil nakita ko ang kakaklase ko noong grade two na nakasabunutan ko. never na kami nagkita uli. kasi lumipat siya ng school. pero a few years ago, i saw her sa TV -- isa na siyang newscaster sa ABS-CBN zamboanga. tapos, last week, nakita ko siya sa facebook. aliw lang :)

so nagpalitan kami ng messages, at na-bring up nga iyong away namin noon. natawa na lang kami. tapos na iyun. she's now married. with two kids.

***

i wasn't a good girl in assumption. ako iyong laging napapatawag sa office dahil may nakaaway, nasapak, nasipa, nasuntok, naka-wresting at nakasabunutan. grade six ata noong huli akong nakipagsabunutan. noreen din ang pangalan niya. dalawa kasi kaming noreen nun sa batch. grade 3 ako, i had hair and blouse-tugging fight with karen, dahil sa pambubuyo ng kaklase naming si maureen.

noong first year high school, muntik na kami mag-away ni lirio (SLN) as in pasugod na kami sa isa't isa, buti na lang naagapan. huling physical na away ko, second year. hindi naman talaga away iyun. nanampal lang ako ng kaklase...  nakita ito ng best friend niya at galit na galit. sinabihan siya na gumanti. nagkasigawan nga sila kasi ayaw niya gumanti sa akin at tinawag siyang wimp or bakla or something. ayun, awa ng dyos, iyong lalakeng sinampal ko, he got even by breaking my heart for 17 years...  nasa facebook ko din siya! and FYI, siya nag-add sa akin... heheheheh

***

may nagtanong sa akin bakit daw di na ako masyado nagba-blog. dumarating ka pala sa point na magsasawa ka din. gawd, ilang taon na ba ako nagba-blog -- eight years!!! siguro kailangan ko magkaroon ng bagong SB para araw-araw na uli ako magba-blog. hehehehe

kung dati, puro lovelife ang blog entry ko, last year, puro tungkol sa career. aside from lovelife and career, ano pa nga ba ang interesting na isulat? hindi na puwede ang tungkol sa career... i mean, di mo alam kung ano masabi mo at may ibang mali ang intindi or interpretation mahirap na...

***

"napaka-unfair ng mundo! ako na nga ang naloko pero sila itong masaya ngayon." sabi ni angelica panganiban sa your song episode nila ni derek ramsay. ARAYKONAMAN!!!  episode ko iyun pero that certain line was written by my headwriter. as in tagos ang hirit na yun... 

***

"wala ka bang boyfriend ngayon?" direk joey asked me yesterday... i shook my head... "baket?" he asked again... i shrugged, "direk... pano naman ako makakahanap sa abs?"

that reminded me of that one time na nagmemeeting kami sa may starbucks... my creative manager said, "walang writer na yumayaman... wala ring writer na nag-aasawa."

nag-react ako violently...sabi ko hindi totoo iyun. she said, "sige nga, magsabi ka ng babaeng writer na nag-asawa..." i mentioned a name. she said, "ang daming nilampasan... bihira lang nangyayari iyan.."

siyet. mali ba ako ng careerpath???

song of the moment: i got tired of waiting wondering if you were ever coming around. my faith in you is fading - love story, taylor swift

quote for the day: "napaka-unfair ng mundo! ako na nga ang naloko pero sila itong masaya ngayon"

what i learned recently: tulad ng lahat ng bagay, there are always two sides ... sa facebook, may advantages at disadvantages din...


Blog EntryJan 25, '09 4:11 AM
for everyone

he said, "do you want me to pack your tonno salad?"
kung eksena lang ito sa sine o tv, ang isasagot ko ay "can you also pack me?"

nakakaloka. may mga bagay pala na sa script lang pwede mag-work. sa tunay na buhay. di mo kayang panindigan.

pero kung sa script, kailangan laging may twist and turn, sa tunay na buhay, iba talaga ang impact kapag something unexpected happened. and masaya ako noong thursday ... sobrang unexpected. and it came at the right time. kung kelan sobrang pagod na pagod ako at naiiyak na ako dahil sa work, and then... it happened. ahahahahaha. alas sais ng gabi, thursday. ang saya talaga kapag may isang bagay ka na di inaasahan tapos biglang dumating. as in out of nowhere... *swoon*

i had fun last friday night. cyma for dinner. starbucks coffee. brothers burger sa bonifacio high street. at ang maganda, lahat iyun... libre. ;)

i also had fun last night with claring, ilai and mira at the premier night of direk joey's new movie, "status: single."

okay lang iyong pelikula. masaya siyang panoorin with your friends, ke single sila or may asawa. natawa ako. muntik na maiyak. naka-relate sa maraming bagay. kinilig at nag-swoon kay jon avila. habang pinapalabas ang movie, tine-text ko si direk joey. "san ba nakakabili ng ganun?" i asked him.

predictable ang mangyayari. pero if you wanna have a few laughs with your friends, watch this movie. magaling si paolo contis. sa kanya ako pinakanatawa as ruffa mae's gay best friend. effective din si rafael rosel at nakakatawa si mark bautista bilang call center agent na may twang pero lumalabas ang pagiging bisaya kapag di nag-e-english dahil taga malaybalay, siya. si ruffa mae naman, matatawa ka sa kanya sa umpisa pero two hours of that kind of acting, magsasawa ka rin. si jon avila, ang gwafo. wala akong ibang sinabi kapag nakikita ko siya sa screen kundi ang gwapo!

sabi sa akin ni mira, gawa daw ako ng ganoong kwento sa your song. sagot ko, "ummm, parang ganun ang next episode namin... " sa next your song ep. angelica is looking for mr right. successful siya sa career pero single pa rin siya. kung kani-kanino siya sine-set up. and then she meets derek. :)

iyun lang, excited lang akong magblog dahil ilang gabing puro script ginawa ko... masaya.

 


Blog EntryJan 20, '09 6:05 AM
for everyone
sabi sa the curious case of benjamin button, "our lives are defined by opportunities, even those we missed..."

napaisip ako sa mga opportunities na napalampas ko. either deliberately kong pinalampas, or iyong mga di ko sinasadya na lumampas... hindi lang sa career, kundi sa personal life. marami-rami din iyun... pero, keri lang. kasi, tama naman ang quote na iyun. no regrets.

isa pang gusto kong quote sa movie na iyun, "we're meant to lose the people we love. how else would we know how important they are to us?"

napalingon nga si ilai sa akin and said, "naks!"

pero ang pinaka-gusto ko, ang pinaka-na-apektuhan ako, "you can be as mad as a mad dog at the way things went. you could swear, curse the fates but when it comes to the end, you have to let go..."

that moment, i told myself, "mula ngayon, hindi na ako galit kay you-know-who."

and for you who caused me my worst heartache, who almost ruined my life had i not been stronger, hindi na ako galit sa iyo... napatawad na kita sa nagawa mo sa akin... i have let go of my anger. and if, by chance, we meet one day, i can look you in the eye and smile... walang kaplastikan.

sa meeting namin kagabi sa your song, pinuna ni bing at ni yam ang aura ko. tinanong ako ni yam kung in love ako. sabi kasi nila, blooming daw ako.

i let go of a negative feeling that ive been harboring for two years.... iyun ang dahilan. :)

may deadline ako ng script revision in 14 hours. wala pa akong tulog. di ko pa alam ano gagawin ko sa kuwento ko... pero heto, inuuna ko pa mag blog. keri lang.

basta, happy ako :)

song of the moment: love bug by jonas brother. ringback ko ngayon. feeling bata. hehehehe

quote for the day: our lives are defined by opportunities, even those we missed... - curious case of benjamin button.

what i learned recently: totoo pala talaga iyong time heals all wounds...

Blog EntryJan 17, '09 2:50 PM
for everyone

when my best friend bim told me she was getting married and that i would be her maid of honor, natakot ako... kilala ko ang sarili ko. hindi ako organized na tao. at alam naman natin kung gaano kalaki ang role ng maid of honor hindi lang during the wedding kundi sa preparation ng weddings. baka pumalpak. baka sumabit. baka may gawin ako na ikakasira ng wedding...

two days before the wedding, binigyan ako ng script assignment sa your song. at ang deadline -- sa mismong araw ng kasal. nakakaloka.

pagkatapos kong ma-stress (at gumastos) sa bridal shower, triple ang stress ng wedding mismo...

napakahirap pala maging maid of honor. i stayed with the bride the eve of her wedding sa hotel. woke up when the bride woke up at 6am. and noong few hours before the wedding -- nakakaloka. ang dami kailangan gawin at asikasuhin. nandiyang habang mine-make-up-an ako, fina-finalize ko ang script ng programme saka iyong story ng couple, tapos kailangan ko makipag-usap sa videographer, tapos nakikipag-coordinate pa ako sa groom, sa choir, sa wedding coordinator, sa designer, at sa ibang kasama sa entourage.

sa reception, naging emcee ako. inaliw ang mga bisita for three hours. naglead ng games. nagbigay ng maid of honor toast.

at habang ginagawa ko ang lahat ng to, iniisip ko ang script ko. ano kaya mangyayari sa mga bida? ano kaya dialogue. ano kaya ang gap-ender.

para kay bim -- okay lang. sulit ang lahat ng pagod. sulit ang lahat ng hirap. sulit ang lahat ng ginastos ko para sa kasal niya.

it was her day. at lahat gagawin ko, para maging perfect ang araw na iyun for her.

bim has been my best friend for 14 years. sobrang selfless niya. sobrang generous. sobrang supportive. takbuhan ko kapag nagipit ako sa pera, unang tinatawagan ko kapag something bad or good happens to me, isa sa pinaka influential na tao sa buhay ko.

hindi man niya napapanood mga sinusulat ko sa tv ngayon, she was the first friend who knew what my dreams were even before i could realize them. who believed i would be a tv writer someday, kahit di ko sinasabi sa kanya na iyun talaga ang gusto ko gawin. kaya nga noong 2003, pinautang niya ako so i could buy my own computer. para magamit ko sa pagsusulat ko ng script. the following year, abs-cbn opened its door for me. kaya sabi ko kay bim, kapag yumaman ako, reregaluhan ko siya ng kotse, para sa lahat ng nagawa niya sa akin.

hindi man kotse ang naregalo ko sa kanya noong kasal niya, i gave her something more valuable -- my friendship. my loyalty. my service. and although i am not a perfect friend, at madalas nadi-disappoint ko siya especally when she expects more from me tapos di ako nakaka-deliver, i'd like to think na she thinks im a good friend, kaya she sticks with me through the years.

sabi nila, ang pagiging best of friends daw, dapat mutual. i mean, hindi pwedeng i-claim mo na best friend mo ang isang tao, tapos sa kanya, iba pala ang best friend niya. bim and i started out as roommates sa UP. tapos naging friends. tapos, naging semi-best friend kami until finally, we told each other, "promoted ka na..... best friend na kita."

minsan tinanong ni cel si bim what made us the best of friends. hindi ko na matandaan ano sinagot ni bim noon. kapag ako tinanong bakit siya ang best friend ko, mahihirapan din ako sagutin iyan... pero isa lang ang masasabi ko. sa friendship, tulad din ng love, you will get what you deserve...

aminado akong hindi ako mabait na tao. pero having a best friend like bim, siguro i must have done something right to be blessed with her friendship.

and oh... binigyan ako ng one-day extension sa script deadline. na-submit ko na kanina pa. ang tanong, magustuhan kaya ng headwriter ko? :) 

 


Blog EntryJan 14, '09 3:53 PM
for everyone

ito yata ang pinakamatagal kong trip sa davao. usually ten days max lang ako doon. this time, naka 15 days ako. 18 days sana kung di ako pinabalik agad...

dec 23 - arrival

arrived in davao around 4pm. maya's first words when she saw me: akala ko ba nagy-gym ka? ganyan pala ang katawan ng nag-gy-gym? madaherang bata! kanino nga ba nagmana ang hitad na iyun? that night, nag-grocery with my nanay and maya.

dec 24 - reunion

habang nagbabalot pa ako ng mga regalo, my ate vanj and her husband dave arrived. the last time they visited the country was in 1996, noong nag-church wedding sila. my sisters and i went to duty free para mag-shopping. had dinner together on christmas eve, went to church at 10pm and then had noche buena at 12. nagbigayan at nagbukasan din ng regalo. best christmas ever!

dec 25 - family day

this is the first christmas na magkakasama kami na buo -- with the pamangkins. kasi the last time we were complete on christmas, single pa kaming lahat na magkakapatid. so we went to lito sy studio in sm para magpa-family portrait. and then we had dinner at jack's loft. parang antipolo ito sa davao kasi overlooking ang buong city.

dec 26 - paradise

went to paradise beach resort that morning. ang maganda kasi sa davao, ang lapit lang ng beach... ilang minuto lang ang lalakbayin namin, tapos sasakay lang ng bangka, nasa ibang island ka na. mga bata lang naman ang nag-swimming (saka ako, ehhehee) kaya basically, andun lang kami para mag brunch. kasi mga 2pm, pabalik na kami ng davao.

that night, went to assumption to help my batch with the set up for golden jubilee celebration the next day. then we had dinner at sm and had coffee at karl's.

dec 27 - high school life oh my high school life

golden jubilee celebration ng assumption davao. our batch was in charge of the mass and isa ako sa na-assign sa offertory. after the mass, we joined the motorcade at sumakay sa kotse ni odick. then we went back sa school to meet up with other batchmates. had lunch at mandarin tea house. then bumalik sa school. the programs were starting to bore us, and some of our batchmates tried to sneak in fundador sa school, so us, girls, went to sm to watch movie and had dinner. we watched one night only. and then our male batchmates are pestering us to join them kasi lumipat sila sa blue post bar. lasing na silang lahat. pero still, we went there to join them. then, nagkayayaan na mag-videoke sa korokan.

dec 28 - buwaya at harana

went to crocodile farm with the whole family. and then capped the night with a dinner sa harana. walang-kamatayang harana kung saan more than 30 years na kami kumakain doon.

dec 29 - a day of fun and laughter

went to gaisano mall and sm davao with my nieces and nephew. nag-arcade kami, kumain ng pizza and watched ang tanging ina nyong lahat. had dinner with my sisters and their hubbies at roadhouse in sm.

dec 30 - bowl and balls

today, i learned na kailangan ako bumalik ng manila ng maaaga para sa utoy. went to the airport para kumuha ng bagong ticket. that afternoon, the whole family had dinner at gerry's in gmall. and then, we went to nccc mall para mag-bowling. before going home, we passed by this park sa may queensland kung saan may giant statue of david. as in anglaki... ng statwa at ng toot ni david. hehehe

dec 31 - last day of 2008

new year's eve. ilang taon ng walang paputok sa davao. bawal. as in sumusunod talaga ang mga tao. walang paputok. pasaway kami. after dinner, we traveled to the nearby city, sa panabo city, para magpaputok. aliw naman. and then we went back to davao around 11 pm. we welcomed the new year with party poppers, confetti and the ever-reliable torotot. when the clock struck twelve, pumunta kaming lahat sa kalsada at nagtatatalon. it was fun!

jan 1 - goodbyes

my ate vanj and kuya dave left for the US. that afternoon, my hs friend atty che che picked me up. we went to sm to stroll and had coffee at bo's in torres street.

jan 2 - at home ka dito

for the first time since i arrived in davao, di ako umalis ng bahay. i stayed with my nieces and nephew. we watched my your song episodes on dvd.

jan 3 - friends, movie, coffee

met up with che che and jenny in bistro rosario for lunch. had coffee at bo's (again!) and then watched baler in sm. che che and i had dinner in pirata, sa may insular hotel. ang ganda sa resto na iyun kasi nasa gitna siya ng dagat. and then we ended the night with coffee sa blugre. ang sarap talaga ng durian coffee.

jan 4 - one last hurrah

after watching your song, we went to sm again (sm at nccc mall lang kasi ang magandang mall sa ngayon. ginagawa pa lang kasi ang ayala mall) and played sa worlds of fun with the kids.

jan 5 - feeling nanay

woke up at 530 para ihanda si maya sa first day of school niya this year. ako nagbihis sa kanya ang prepared her baon. ako nagluto ng lunch niya. nag-grocery uli that night with my nanay and maya.

jan 6 - back to work

flight ko pabalik ng manila. nung umaga lang na iyun ako nag-empake (hehe) kakarating ko lang sa manila, derecho ako sa abs para mag-meeting. ka-lurkey.

iyan ang aking davao adventures. balak ko umuwi ng april for my father's 75th birthday. at sa august for my niece ilay's 18th birthday. :) angsaya!
 


Blog EntryJan 8, '09 3:45 AM
for everyone

sa birthday party ni danica kagabi, nasa iisang table lang ang mga writers. lasing na halos ang lahat ng tao

male writer 1: pare, kum@nt*t tayo ngayong gabi...
male writer 2: (nag-isip sandali bago sumagot) pare, may meeting tayo bukas eh, baka wala tayong mai-present.

naloka kaming lahat. iyong isa gusto ng sex, iyong isa, trabaho pa rin ang iniisip. ngayon lang ako nakakita ng lalake who chooses work over sex.

***

my flight back to manila was supposed to be on january 9. kailangan ko agahan kasi kailangan daw ako sa utoy, need na daw nila ng script kasi magte-taping na. dapat nga january 2 ako kailangan. pero wala na talagang ticket na makuha ng ganoon. earliest na nakuha ko, jan 6. dumating ako ng 11pm ng jan 6. derecho ako sa ABS para sa meeting. nag-resign kasi ang headwriter kong si john. basta ang dami na nangyari. nakakaloka, di ko kinaya.

nakakahiyang masigawan sa harap ng ibang writers pero okay lang kung ang dahilan naman ay nanindigan ka para sa kaibigan, para sa prinsipyo mo. at the end of the day, mahalaga pa rin iyong nakakatulog ka ng maayos dahil alam mo tama ang ginawa mo...

***

next week, kasal na ng best friend ko. one week to go. mamartsa na ako bilang maid of honor. leche. i am at my fattest and yet dun pa ako magiging maid of honor. di umobra ang pagfitness first ko at paghire ng personal trainer at nutritionist. sa halip na sabihing i lost 10 lbs or 15 lbs, ang sinasab ko ngayon, "i lost 40,000 pesos." langhiya!!!

***

nakakaloka ang nangyayari ngayon sa paligid ko. sa career. sa personal life. sa lahat. ang saya lang talaga ng mundo!

heto ang mas nakakaloka. ito ang facebook account ng pamangkin ko, anak ng kuya ko... tama bang pagsabihan ko siyang baguhin niya profile pic nya? or masyado lang akong conservative??? ako? conservative? nakakaloka, yun!


Photo AlbumTatak AssumptionistaJan 2, '09 12:02 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Last December 27 and 28, my alma matter, Assumption School of Davao (now Assumption College of Davao), had her Golden Jubilee Celebration. The activities and programs were BORING but it was fun being with high school friends again and revisiting the place which was my second home for eleven years.

Lahat kaming magkakapatid ay Assumptionista, even my brother na doon nag-grade six at lumipat lang noong HS dahil exclusive pa that time ang Assumption High School. Noong time na ni Bru, naging coed na ang Assumption.

My siblings attended the Homecoming pero umalis din agad. Our batch left at 6pm and had fun elsewhere -- SM, Blue Post and this Videoke place called Korokan.

NoteGuestbook
   
starstone wrote on Mar 1, '09
Hi Ate Noreen!

Keep the happiness going..! I tag you here:

http://starstone.multiply.com/journal/item/96/Happy_Tags
emimem wrote on Feb 10, '09
uie!!!!!! add kta ok?? addict ako ng moh grabeh!!!!!!!!!!1hahahaha!!! tnx!!!!!!
emimem wrote on Feb 10, '09
uie!!!!!! add kta ok?? addict ako ng moh grabeh!!!!!!!!!!1hahahaha!!! tnx!!!!!!
giksk wrote on Jan 3, '09
Hi Noreen. I like visiting your site. It gives me something to think about...
Love, Life and Everything in Between. Happy New Year!!!
giksk wrote on Dec 28, '08
hi Noreen! on your spare time or if you have those days (writer's block) try watching
" THE WORLD THAT THEY LIVE IN " which stars Song Hye kyo of Full House
this series just ended in Korea. This drama is modern, snappy and realistic. And I'm pretty sure you're gonna like it cause the back drop is making a tv drama. Which I know u can easily relate. Here's the link Just go to www.mysoju.com
giksk wrote on Dec 28, '08
hi Noreen! on your spare time or if you have those days (writer's block) try watching
" THE WORLD THAT THEY LIVE IN " which stars Song Hye kyo of Full House
this series just ended in Korea. This drama is modern, snappy and realistic. And I'm pretty sure you're gonna like it cause the back drop is making a tv drama. Which I know u can easily relate. Here's the link Just go to www.mysoju.com
jeinola wrote on Oct 25, '08
noreen, post mo na 'yung pics natin!
beegeesoldao wrote on Sep 10, '08
N, I miss you na. Sana sumama ka kina Danica sa Bora. Nag-enjoy sila. Ako slight lang. Basta after Dragona babalik kami dun. Sama ka na this time ha. Kasi yung A.P. namin sa Dragona local ng Bora. So bago ako bumalik sa YS break muna. Sama ka na ha?
chinggax wrote on Aug 24, '08
happy birthday!
jeyow wrote on Aug 1, '08
The mountains are capped with snow of white
The fires are lit, the cabins are bright
Two lovers sit, not alone tonight
Their hearts are warm on this cold winter night
Outside the snow falls to the ground
But no one will know, it won't make a sound
mncirn89 wrote on May 23, '08
sabi sa 'yo eh! greeting friends na kayo; kasunod n'yan, kaberks mo na sya! hahaha! he is adorable that way! lalambot talaga ang puso mo kahit i-ismaylan ka lang! :D
jpnix wrote on Apr 15, '08
hey hey hey! are you noringai previously of OD? gawd talk about blast from the past. guess who. (although I've undergone an assortment of names and am done with my angst so i don't know if you'll remember me.
bibofx wrote on Feb 25, '08
Have a nice day - http://bibomedia.com
chesterbest wrote on Jan 29, '08

hi, searching for something then napadpad ako sa blog mo, hehehe...
nahook ako sa mga kwento mo, hehehe... kip it up!
sweetbayag wrote on Nov 19, '07
:)
writerdaw wrote on Nov 13, '07
ayos lang yan, noreen. lahat ng nandito sa blogs ay isang malaking sikreto. o diba, close na agad tayo, may secret na tayo. hehehe! hope makasama naman kita pag matitino tayo. hehehe!
starstone wrote on Nov 1, '07
hi ate noreen! :) I tagged you for a free view of your desktop. You can check it on my blog post:

http://starstone.multiply.com/journal/item/64/Tagged_for_My_Desktop_View

God bless! =)
mamsyeb wrote on Aug 24, '07
happy birthday!!!

marami pang ibang pulutan bukod sa sisig -- lalo na yung hindi bad sa heart mo. tingin ka pa sa menu ;)

luv, shiva